Jessalyn - 6/6/2024 18:53:47
Hi, gusto ko lang magsalita about kay kuya rider na si Angelo Gallon dito sa Legazpi area. Alam ko na may mali ako, hindi ko nakuha yung parcel nung first attempt kasi hindi ko naman alam na idedeliver na pala. Eh may duty ako that time, hindi ko rin hawak ang cp ko dahil bawal naman samin mag cp habang nasa trabaho. Pero nag sorry naman ako after ko maka out sa work. Kasi galit na galit si kuya, ang dami na nyang sinabi like sinayang ko daw ang oras at ang gas nya. I said sorry for that. Pero kanina lang na nag text sya na idedeliver nya na daw for second attempt eh nag hintay ako kasi off ko naman today. Nung tumawag sya sabi nya nasa labas na daw sya, so sabi ko palabas na ako. Paglabas ko wala namang rider na nasa labas. So naghintay ako ng ilang minuto pa. Nag text na ako sakannya kung nasaan na sya eh wala naman kasi sya sa labas. Tapos sabi nya na sa Camp Ola daw sya, whatttttt? Pinagmuka lang akong tanga ni kuya kakahintay sakan nya salabas kasi nga sabi nya nasa labas sya. Tapos makikita ko na tig reject ko daw yung parcel. Nakakainis lang kasi ngayong nandito yung tao hindi sya nag deliver tapos sasabihin nya na nireject ko yung parcel. Ayos din, kaya ayaw ko na flash ang nag dedeliver ng parcel kasi ang ibang rider walang pasenya. Ayaw pala nasasayang ang oras at gas sana sa iba nya na lang na rider pinadeliver yung mahaba sana ang pasensya. First attempt palang ang dami na nyang reklamo dinaig nya pa yung mga nakaka third attemp. Wag ho sana kayong gannyan sa costumer nyo, alam ko naman na pagod kayo. Pero sana naman ay habaan ang pasensya kasi yan ang trabahong pinasok nyo. Hindi naman lahat eh available sa oras na pagdeliver nyo kaya nga po may first and third attempt kayo. Saka kayo magsalita ng kung ano ano kung sa third attempt ay hindi pa kinuha. At sana wag kayo gagawa ng kung ano ano sa comment nyo sa costumer kung hindi nyo naman deniliver.